Thursday, December 11, 2008

can't please everybody

I know i am not a perfect leader!
Sometimes it gives me a heartache when somebody misunderstood my behaviors. One incident happened 6 hours ago during our integration, one of my co-ci texted me a while ago, a long text that almost shocked me. she said hindi na raw ako ung lanie na she knew 4 years ago, nagbago na raw ako, dahil ba raw iba ang religion niya kaya kailangang pagtawanan ko siya. Nasan ba ang logic nun, nagbibiruan kami sa integ then suddenly she exploded, nashocked talaga kami at akala namin aatakihin siya. Sabi pa niya sa text naiimpluwensiyan na ko ng ibang tao kaya ako nagbabago.
Hindi ko kailangan tanungin ang sarili ko kung nagbago na ko kasi i still know my true identity, i know where i stand, mayroon akong integrity, i'm aware of my actions and still have the patience in dealing with different class of people.
Minsan iniisip ko ng magquit kasi bakit ganito, ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko pero laging my comments and reactions. I'm really trying to be friendly with everybody kahit civil lang kasi wala ka namang choice kasi araw araw mo silang nakikita.
Grabe talaga lalo na ang sabihan kang dahil sa religion kaya ka nawalan ng respeto sa kanya. Ni minsan sa buong buhay ko di naging issue sa kin ang religion to have friends and to respect people. Nakapagwork na rin naman ako sa ibang country at ang naging close ko pa ay isang taong iba rin ang religion.
Sana naman maintindihan nila ako gaya ng pagintindi ko sa kanila, respect din nila ung nararamdaman ko. Although we end our conversation well thru text, i hope that it will never happen again. Mahal ko rin naman yung taong concerned and i have high regards for her. She already said sorry to me after a long explanation, sabi ko sa kanya i'll always treat you as my older sis just like my ate edwin and will always will pero kung ganyan lang kababaw ang pagtingin mo sakin as a friend wala akong magagawa.
Hindi ko alam kung meron ding behind sa pangyayaring ito at nag isip siya ng ganun sa kin. But one thing is for sure, kung gusto nila uli ng dati nilang position, kanila na uli, as i have said before hindi ko ito hiningi, KUNG GUSTO NILA SA KANILA NA ULI IBIBIGAY KO WHOLE HEARTEDLY.
Sana sa susunod kong mga post masaya naman ang mga pangyayari. WISH KO LANG.......

1 comment:

eiHg said...

-hugs-

I'll text you na lang..